Home » Post Item » PINTIG
PINTIG
September 23, 2009Isang tibok na lang ang naguugnay kung saan paroroon ang wakas ng kasalukuyang nagaganap.
Nagbigkas ng mga salitang hindi dapat ipahiwatig na tuluyan nasakatan sa mga narinig.
Patawad.
Ilang araw na bagabag, ilang gabing gising sa pagiisip kung paano didinggin ang pintig ng pusong nananabik.
Marahil bingi at bulag sa katotohanan na ang lahat ng ito’y isang panaganip lamang.
Umaasa na sa pagising ang pangarap na ito’y magbigay hudyat ng katapusan ng isang mapait na kahapon.
Dala ang hapdi at paghihirap na dulot ng mga salitang binigkas.
Hanggang kailangan titibok ang pusong nagnanasang muling pagbabalik ng kakaibang pintig.
Pintig ng saya at pagmamahal na magdudulot muli ng matamis na ngiti sa mga labi.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


